Taglog
Maikling Panimula at Kasaysayan ng Pambansang Akla
Ang Pambansang Aklatan ng Pampublikong Impormasyon ay itinatag noong 1923 at isa sa pinakamaagang aklatan sa Taiwan. Matapos makilala bilang Aklatan ng Prefecture ng Taichu, Pang-probinsyang Aklatan ng Taichung Taiwan, at Pambansang Aklatan ng Taichung, ang bago nitong pangunahing aklatan ay binuksan noong Hunyo 3, 2012 at pinalitan ang pangalan sa “Pambansang Aklatan ng Pampublikong Impormasyon” noong Enero 1, 2013. Ang mga mamamayan ng buong bansa bilang target ng serbisyo nito, hawak nito ang responsibilidad na turuan ang mga pampublikong aklatan sa lahat ng antas sa buong bansa at ito ang unang digitized na pampublikong aklatan sa pambansang antas. Ang pangunahing aklatan ay nasa Wuqian S. Road, Lungsod ng Taichung Katimugang Distrito at may tatlong sangay ng mga aklatan sa Liming, Jingwu at Zhongxing. Ang pangunahing aklatan ay may limang palapag sa above ground at dalawang palapag sa underground na may kabuuang floor area na 41,797 m2. Bukod sa pagkuha, pag-uuri at pangongolekta ng iba’t ibang pisikal na libro at materyal at digital na rekurso para sa mga mamamayan upang basahin at magsagawa ng habang-buhay na pag-aaral, nagbibigay din ito ng mga nakabahaging serbisyong grinupo ayon sa edad at target sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pisikal at virtual na lugar ng serbisyo gamit ang mga bagong modelo ng pagbabasa, kakaibang paraan ng pagsasaliksik, iba-ibang gawaing panlibangan, at isang komportableng kapaligiran para sa habang-buhay na pag-aaral. Ito ay lugar ng pagbabasa ng mga libro, paghingi ng impormasyon, digital na serbisyo, eksibisyon, talumpati at pagsasanay. Binili rin nito ang bahagiang digital na rekurso ng mga pampublikong aklatan sa buong bansa at inaasahang maging isang aklatang may nilalamang REAL (Reading, Exploring, recreAtion & Learning), cloud center ng digital na rekurso para sa mga pampublikong aklatan sa buong bansa, at ang isang digital na pampublikong aklatang pinagsasama ang mga pisikal at virtual na serbisyo.